- Ang Relihiyong Islām ay relihiyon ng pagkaawa. Ito ay nakasalalay sa kabuuan nito sa pagtalima kay Allāh at paggawa ng maganda sa nilikha.
- Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nailalarawan sa pagkaawa. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Napakamaawain, ang Maawain, na nagpapaabot ng awa sa mga lingkod Niya.
- Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain, kaya naman ang mga naaawa ay kaaawaan sila ni Allāh.