- Ang pagsasakaibig-ibig ng mga panalanging ito sa pagkakapatirapa.
- Nagsabi si Mīrak: Sa isa sa mga salaysay ni Imām An-Nasā'īy: Nagsasabi siya noon ng panalanging ito kapag nakatapos siya ng ṣalāh niya at umukupa siya ng higaan niya.
- Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbubunyi kay Allāh sa pamamagitan ng mga katangian Niya at pagdalangin sa Kanya sa pamamagitan ng mga pangalan Niyang napagtibay sa Qur'ān at Sunnah.
- Dito ay may pagdakila sa Tagalikha sa pagkakayukod at pagkakapatirapa.
- Ang paghiling ng paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng mga katangian ni Allāh kung paanong pinapayagan ang paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng sarili Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
- Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Sa pananalitang ito ay may isang mahiwagang kahulugan: na siya ay humiling ng pagkupkop ni Allāh na magkalinga sa kanya sa pamamagitan ng pagkalugod Nito laban sa pagkayamot Nito at sa pamamagitan ng pagpapaumanhin Nito laban sa pagpaparusa Nito. Ang pagkalugod at ang pagkayamot ay magkasalungat na magkatapatan at gayon din ang pagpapaumanhin at ang pagpapanagot sa pamamagitan ng kaparusahan. Ngunit noong dumating sa pagbanggit ng walang kasalungat, na siyang si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), humiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban kay Allāh hindi sa iba. Ang kahulugan niyon: ang paghingi ng tawad laban sa pagkukulang sa pag-abot sa kinakailangan mula sa tungkulin ng pagsamba kay Allāh at pagbubunyi sa Kanya. Ang sabi niya na: "Hindi ako makabibilang ng pagbubunyi sa Iyo" ay nangangahulugang: Hindi ako makakakaya niyon at hindi ako makaaabot doon.