- Ang kadalisayan ay dalawang kadalisayan: kadalisayan ng nakalantad, na sa pamamagitan ng wuḍū' at ghusl; at kadalisayan ng nakakubli, na sa pamamagitan ng Tawḥīd, pananampalataya, at maayos na gawa.
- Ang kahalagahan ng pangangalaga sa ṣalāh sapagkat ito ay isang liwanag para sa tao sa Mundo at Araw ng Pagbangon.
- Ang kawanggawa ay patunay sa katapatan ng pananampalataya.
- Ang kahalagahan ng pagsasagawa ayon sa Qur'ān at paniniwala rito upang ito ay maging isang katwiran para sa iyo hindi laban sa iyo.
- Ang sarili, kung hindi ka nagpaabala rito sa pagsunod, ay magpapaabala sa iyo sa pagsuway.
- Ang bawat tao ay hindi makaiiwas na gumawa sapagkat maaaring magpalaya siya sa sarili niya sa pamamagitan ng pagtalima o magpahamak nito sa pamamagitan ng pagsuway.
- Ang pagtitiis ay nangangailangan ng pagbata at pag-asa na gantimpalaan. Dito ay may pahirap.