- Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa sandali ng pagpasok sa masjid at paglabas mula roon.
- Ang pagtatangi ng pagbanggit ng awa sa pagpasok at ng kabutihang-loob sa paglabas ay dahil sa ang pumapasok ay nagpakaabala sa nagpapalapit sa kanya kay Allāh at sa Paraiso Nito kaya nababagay na banggitin niya ang awa. Kapag naman lumabas siya, magpupunyagi siya lupa sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na panustos kaya nababagay na banggitin niya ang kabutihang-loob.
- Ang mga dhikr na ito ay sinasabi sa sandali ng pagnanais ng pagpasok sa masjid at sa sandali ng pagnanais ng paglabas mula roon.