- Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok sa bahay at sa sandali ng pagkain sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapamagdamag sa mga bahay at kumakain mula sa pagkain ng mga naninirahan sa mga ito kapag hindi sila bumanggit ng ngalan ni Allāh (napakataas Siya).
- Ang demonyo ay nagmamasid sa anak ni Adan sa gawain nito, sa pag-aasal nito, at sa mga nauukol dito sa kabuuan ng mga iyon. Kaya naman kapag nalingat ang tao sa pag-alaala kay Allāh, natatamo niya ang ninanais niya sa tao.
- Ang pag-alaala kay Allāh ay nagtataboy sa demonyo.
- Ang bawat demonyo ay may mga tagasunod at mga katangkilik na nagagalak sa sabi niya at sumusunod sa utos niya.