/ {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}

{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtitiyaga sa mga ṣalāh ng mga pagkukusang-loob sa bahay niya at hindi siya nag-iiwan ng mga ito: apat na rak`ah na may dalawang taslīm bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa madaling-araw.

Hadeeth benefits

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pangangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa madaling-araw.
  2. Ang pinakamainam ay na magsagawa ng mga kusang-loob na ṣalāh sa bahay. Dahil doon, nagpabatid tungkol sa mga ito si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya).