- Ang pagbabawal ng pagsasalita sa sandali ng pakikinig sa sermon, kahit pa dahil sa pagsaway sa nakasasama o pagtugon sa pagbati o pagdalangin sa bumahin.
- Naitatangi mula rito ang sinumang nakikipag-usap sa imām o kinakausap ng imām.
- Ang pagpayag sa pagsasalita sa pagitan ng dalawang sermon sa sandali ng pangangailangan.
- Kapag binanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ang imām ay nagsesermon, tunay na ikaw ay mananalangin ng basbas at pangangalaga sa kanya nang tahimik. Gayundin ang pag-amen sa panalangin.