Ayon kay Ḥiṭṭān bin `Abdillāh Ar-Raqāshīy na nagsabi: {Nagdasal ako kasama ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy ng isang ṣalāh. Noong siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Kinilala ang ṣalāh kalakip ng pagsasamabuting-loob at zakāh."} Nagsabi [ang tagapagsalaysay]: {Noong nakatapos si Abū Mūsā ng ṣalāh at nakapagsagawa ng taslīm, bumaling siya [sa mga tao] saka nagsabi: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng salitang ganito at gayon?"} Nagsabi [ang tagapagsalaysay]: {Kaya nagsawalang-kibo ang mga tao, pagkatapos nagsabi siya: "Alin sa inyo ang nagsasabi ng pangungusap na ganito at gayon?" Kaya nagsawalang-kibo ang mga tao, saka nagsabi siya: "Marahil ikaw, O Ḥiṭṭān, ay nagsabi niyon?" Nagsabi ito: "Hindi ako ang nagsabi niyon. Talaga ngang nasindak ako na bumulyaw ka sa akin dahil doon." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa mga tao: "Ako ay nagsabi niyon. Hindi ako nagnais niyon kundi ng kabutihan." Kaya nagsabi si Abū Mūsā: "Hindi ba kayo nakaaalam kung papaano kayong magsasabi sa ṣalāh ninyo? Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa atin saka naglinaw sa atin ng sunnah natin at nagturo sa atin ng ṣalāh natin sapagkat nagsabi siya: 'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr. Kapag nagsabi siya ng (Qur'ān 1:7): {ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsabi kayo ng āmīn, sasagot sa inyo si Allāh. Kapag nagsagawa siya ng takbīr at yumukod, magsagawa kayo ng takbīr at yumukod kayo ngunit tunay na ang imām ay yuyukod bago ninyo at aangat bago ninyo.' Nagsabi pa ang Sugo ni Allāh: 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag nagsabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," magsabi kayo ng: Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa iyo ang papuri)," didinig si Allāh sa inyo.' Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa pamamagitan ng dila ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): "Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya." Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr at magpatirapa kayo ngunit tunay na ang imām ay nagpapatirapa bago ninyo at umaangat bago ninyo.' Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, maging kabilang sa una sa sasabihin ng isa sa inyo ang: "Attaḥiyātu –ṭṭayyibātu –ṣṣalawātu lillāh; assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh; assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi ṣṣāliḥīn; ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbating kaaya-aya [at] ang mga pagbasbas ay ukol kay Allāh. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)'"}