- Ang pagkapanganib ng pagliban sa pagdalo sa ṣalāh sa konggregasyon sa masjid.
- Ang mga mapagpaimbabaw ay walang nilayon sa pagsamba nila kundi ang pagpapakitang-tao at ang pagpapahanga sapagkat hindi sila pumupunta sa ṣalāh malibang kapag nakasasaksi sa kanila ang mga tao.
- Ang bigat ng gantimpala ng ṣalāh sa gabi (`ishā') at ṣalāh sa madaling-araw (fajr) kasama ng konggregasyon at na ang dalawang ito ay marapat daluhan kahit pa man pagapang.
- Ang pangangalaga ṣalāh sa gabi (`ishā') at ṣalāh sa madaling-araw (fajr) ay isang kaligtasan sa pagpapaimbabaw at ang pagliban sa pagdalo sa dalawang ito ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw.