- Ang paghimok sa pangangalaga sa ṣalāh sa hapon sa simula ng oras nito at ang pagdadali-dali roon.
- ِAng matinding banta sa sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon. Ang pagpapalampas nito sa oras nito ay higit na mabigat kaysa sa pagpapalampas ng iba rito sapagkat tunay na ito ay ang ṣalāh na pinakagitnang itinangi sa utos sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:238): {Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna.}