Ayon kay Thawbān, malugod si Allāh sa kanya: "Kailangang mamalagi ka sa maraming pagpapatirapa sapagkat tunay na ikaw, sa tuwing magpapatirapa ka kay...
Ang dahilan ng ḥadīth na ito ay na si Ma`dān bin Talḥah ay nagsabi: “Pumunta ako kay Thawbān at nagsabi ako: Magpabatid ka sa akin ng isang gawaing ga...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsa...
Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pagkahain ng pagkain na pinananabikan ng sarili n...
Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sug...
Pumunta si `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tuna...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamasagwa s...
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamatindi sa mga tao sa kapangitan sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw mula sa ṣa...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi ba natatakot ang isa s...
Nililinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang matinding banta sa sinumang nag-aangat ng ulo nito bago ng imām nito na gawin ni Allā...
Ayon kay Thawbān, malugod si Allāh sa kanya: "Kailangang mamalagi ka sa maraming pagpapatirapa sapagkat tunay na ikaw, sa tuwing magpapatirapa ka kay Allāh ng isang patirapa, ay mag-aangat si Allāh dahil doon ng isang antas at magbabagsak Siya mula sa iyo ng isang kasalanan."
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang pagdarasal sa pagkahain ng pagkain at wala habang siya ay nagpipigil ng dalawang karumihan."}
Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi ba natatakot ang isa sa inyo (o hindi ba matatakot ang isa sa inyo), kapag nag-angat siya ng ulo niya bago ng imām, na gumawa si Allāh sa ulo niya na maging isang ulo ng isang asno o gumawa si Allāh sa anyo niya na maging isang anyo ng isang asno?"}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa Pagdarasal niya,At hindi niya alam kong ilan ang naipagdasal niya tatlo ba o apat,Tanggalin niya ang pag-aalinlangan,at itupad niya kung ano ang pinaniniwalaan niya,Pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa bago magsagawa ng Taslem,At kung ang naipagdasal niya ay lima,[gagawin naming] pamagitan sa kanya ang pagdarasal niya,at kung siya ay nakapagdasal ng tumpak ng apat na tindig,ang dalawang ito ay [magsisilibing] paghahamak kay Satanas))
Ayon kay Wābiṣah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon."
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang baka. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto ay para bang nag-alay siya ng isang tupang may sungay. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto ay para bang nag-alay siya ng isang manok. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang itlog. Kapag lumabas ang imām, dadalo ang mga anghel upang makinig sa pag-aalaala [kay Allāh]."}
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay humihingi ng tawad nang tatlong ulit (istighfār) at nagsasabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Nagsabi si Al-Walīd: "Kaya nagsabi ako kay Al-Awzā`īy: Papaano ang paghingi ng tawad?" Nagsabi ito: "Magsasabi ka ng: Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)"}
Ayon kay Abu Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Anak ni Az-Zubayr ay nagsasabi noon sa bawat pagkatapos ng ṣalāh kapag nakapagsasagawa siya ng taslīm: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha –lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima, at kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) kalakip ng mga ito sa pagkatapos ng bawat ṣalāh."}