- Ang paghimok sa pagpaligo sa araw ng Biyernes at ito ay bago ng pagpunta sa ṣalāh sa Biyernes.
- Ang kainaman ng maagang pagpunta sa ṣalāh sa Biyernes mula sa kauna-unahan sa mga yugto ng maghapon.
- Ang paghimok sa pagdadali-dali sa mga maayos na gawain.
- Ang pagdalo ng mga anghel sa ṣalāh sa Biyernes at ang pakikinig nila sa khuṭbah.
- Ang mga anghel ay nasa mga pinto ng masjid, na nagtatala ng mga dumarating ayon sa pagkakasunud-sunod sa pagdating sa ṣalāh sa Biyernes.
- Nagsabi si Ibnu Rajab: Ang sabi niya: "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ..., pagkatapos pumunta" ay nagpapahiwatig na ang pagpaligong isinakaibig-ibig para sa Biyernes ay nagsisimula sa pagsapit ng madaling-araw at nagwawakas bago magtungo ṣalāh sa Biyernes.