- Ang pagkakasuklam-suklam ng pag-iwan ng pagdarasal sa gabi at na iyon ay dahilan sa demonyo.
- Ang pag-iingat laban sa demonyo na nag-aabang sa tao sa bawat daan upang sumagabal sa pagitan ng tao at ng pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
- Nagsabi si Ḥajar: Ang sabi niya: "hindi bumangon para magsagawa ng ṣalāh" ay tumutukoy sa pangkalahatan [na ṣalāh] at naisasaposible na sa kasunduan. Ang tinutukoy rito ay ang ṣalāh sa gabi o ang isinatungkulin.
- Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Itinangi ang tainga sa pagkabanggit, kahit pa ang mata ay higit na angkop sa pagtulog, bilang pagtukoy sa kahimbingan ng pagkatulog sapagkat tunay na ang mga pandinig ay ang pinagmumulan ng pagkatawag-pansin. Itinangi ang ihi dahil ito ay pinakamadali sa pagpasok at mga butas at pinakamabilis sa panunuot sa mga ugat, kaya naman nagsasanhi ito ng katamaran sa lahat ng mga bahagi ng katawan.