- Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbigkas ng dalawang kabanatang ito matapos ng Al-Fātiḥah sa sunnah sa madaling-araw.
- Ang dalawang kabanatang ito ay tinatawag na Kabanatang Al-Ikhlāṣ dahil nasaad sa Kabanatang Al-Kāfirūn ang kawalang-kaugnayan sa lahat ng sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh at na sila rin ay hindi mga lingkod ni Allāh dahil ang pagtatambal nila ay nagpapabagsak ng mga gawa nila at na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang karapat-dapat sa pagsamba at dahil nasaad sa Kabanatang Al-Ikhlāṣ ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ang pagpapakawagas sa Kanya, at ang paglilinaw sa mga katangian Niya.