- Nagkaisa ang mga may kaalaman na kabilang sa nagpapatamo sa tao ng gantimpala matapos ng kamatayan niya ang kawanggawang nagpapatuloy, ang kaalaman na napakikinabangan, at ang panalangin. Nasaad sa mga ibang ḥadīth ang ḥajj din.
- Itinangi ang tatlong ito sa pagbanggit sa ḥadīth na ito dahil ang mga ito ay ang mga batayan ng kabutihan at ang pinakamadalas na pinapakay ng mga may kainaman ang pananatili nito matapos nila.
- Ang bawat kaalamang napakikinabangan ay nagpapatamo sa kanya ng pabuya subalit ang pangunahin dito at ang tugatog nito ay ang kaalamang pangkapahayagan at ang mga kaalamang nakasalig dito.
- Ang kaalaman ay ang pinakakapaki-pakinabang sa tatlong ito dahil ang kaalaman ay napakikinabangan ng tao na nagpapakatuto nito. Ang kaalaman ay may pag-iingat sa Batas ng Islām, na may pakinabang sa nilikha sa pangkalahatan. Ito ay higit na masaklaw at higit na pangkalahatan dahil ito ay natututuhan mula sa kaalaman mong umiiral sa buhay mo at umiiral matapos ng pagpanaw mo.
- Ang paghimok sa pagpapalaki ng mga batang maayos sapagkat sila ay ang magpapakinabang sa mga magulang nila sa Kabilang-buhay. Bahagi ng pagpapakinabang nila ay na sila ay dumadalangin para sa mga magulang nila.
- Ang paghimok sa paggawa ng maganda sa mga magulang matapos ng kamatayan nila. Ito rin ay bahagi ng pagsasamabuting-loob na nagbebenipisyo ang anak mula rito.
- Ang panalangin ay nagpapakinabang sa patay, kahit pa man ito ay naging mula sa hindi anak, subalit itinangi ang anak sa pagbanggit dahil siya ay ang nagpapatuloy sa pagdalangin sa tao kadalasan hanggang sa mamatay siya mismo.