- Ang pagbabawal ng pagpatay sa kinasunduan (mu`āhad), pinangangalagaan (dhimmīy), at pinatitiwasay (musta'man) kabilang sa mga tagatangging sumampalataya; at na ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
- Ang kinasunduan (mu`āhad) ay ang sinumang binigyan ng kasunduan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya habang siya ay naninirahan sa bayan niya nang hindi nakikipagdigmaan sa mga Muslim at hindi sila nakikipagdigmaan sa kanya. Ang pinangangalagaan (dhimmīy) ay ang sinumang namamayan sa Tahanan ng Islām at nagbabayad ng buwis na jizyah. Ang pinatitiwasay (musta'man) ay ang sinumang pumasok sa Lupain ng mga Muslim nang may kasunduan at seguridad para sa isang tinakdaang panahon.
- Ang pagbibigay-babala laban sa pagtataksil sa mga kasunduan sa hindi mga Muslim.