- Ang naisasaalang-alang na pakikipag-ugnayan sa kaanak ayon sa Kapahayagan ay makipag-ugnayan ka sa sinumang pumutol ng kaugnayang pangkaanak sa iyo kabilang sa kanila at magpaumanhin ka sa sinumang lumabag sa katarungan sa iyo kabilang sa mga kaanak mo. Ang pakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang pakikipagtumbasan at ang pakikipaggantihan.
- Ang pakikipag-ugnayan sa kaanak ay nangyayari sa pamamagitan ng pagpaparating ng anumang naisaposible na kabutihan gaya ng salapi, panalangin, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, at tulad ng mga ito; at ng pagtulak ng anumang naisaposible na kasamaan palayo sa kanila.