- Hindi nakapipinsala ang masagwang pagpapalagay sa sinumang lumitaw mula sa kanya ang mga tanda nito. Kailangan sa mananampalataya na siya ay maging matalas na mahusay na hindi nalilinlang ng mga kampon ng kasagwaan at kasuwailan.
- Ang tinutukoy [rito] ay ang pagbibigay-babala laban sa paghihinala na namamalagi sa sarili at laban sa pagpupumilit dito. Hinggil naman sa sumasagi sa sarili at hindi namamalagi rito, ito ay hindi naaatangan ng pananagutan.
- Ang pagbabawal sa mga kadahilanan ng paglalayuan ng loob at pagkaputol ng ugnayan sa pagitan ng mga individuwal ng lipunang Muslim, gaya ng paniniktik, inggit, at tulad ng dalawang ito.
- Ang pagtatagubilin ng pakikitungo sa Muslim ng pakikitungo sa kapatid sa pagpapayo at pagmamahalan.