- Ipinagbabawal ang pagkakaloob ng suhol, ang pagtanggap nito, ang pamamagitan dito, at ang pagtulong para rito dahil sa taglay nito na pakikipagtulungan sa kabulaanan.
- Ang suhol ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala dahil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa tagatanggap nito at tagapagbigay nito.
- Ang suhol sa panig ng paghuhukom at paghahatol ay higit na mabigat na krimen at higit na matindi na kasalanan dahil sa taglay nito na kawalang-katarungan at paghahatol nang hindi ayon sa pinababa ni Allāh.