- Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang naglalahad siya ng mga usapin sa paraang patanong.
- Ang kagandahan ng etiketa ng mga Kasamahan sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam."
- Ang pagsabi ng tinatanong tungkol sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allāh ay higit na maalam."
- Ang pangangalaga ng Batas ng Islām sa lipunan sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga karapatan at kapatiran sa pagitan nila.
- Ang panlilibak ay ipinagbabawal maliban sa ilan sa mga kalagayan para sa kapakanan. Kabilang doon ang pagtulak ng kawalang-katarungan kung saan babanggitin ng taong nalabag sa katarungan ang lumabag sa kanya sa katarungan sa harap ng sinumang nakakakaya sa pagbawi sa karapatan niya. Ito ay gaya ng pagsabi ng ganito: "Lumabag sa katarungan sa akin si Polano" o "Gumawa siya sa akin ng gayon." Kabilang sa mga ito ang pakikisawsaw sa nauukol sa mag-asawa o pakikilahok o panghihimasok o tulad nito.