- Ang kaanak ay ang mga kamag-anak mula sa panig ng ama at ina. Sa tuwing ito ay naging higit na malapit, ito ay naging higit na marapat sa pagpapanatili ng ugnayan.
- Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Kaya ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya sa pamamagitan ng pagsasamabuting-loob at paggawa ng maganda, magpapanatili si Allāh sa buhay niya at panustos sa kanya.
- Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay isang kadahilanan para sa pagpapaluwag ng panustos at pagpapalawak nito at isang kadahilanan para sa paghaba ng buhay. Kung ang yugto ng buhay at ang panustos ay naging limitado, gayon pa man maaaring magkaroon ng isang pagpapala sa panustos at buhay. Kaya nakagagawa ang tao sa buhay niya ng higit na marami at higit na kapaki-pakinabang kaysa sa ginagawa ng iba sa kanya. Sinabi na ang karagdagan sa panustos at haba ng buhay ay isang tunay na karagdagan. Si Allāh ay higit na maalam.