- Ang paghikayat sa pagbaba ng paningin.
- Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalagi ng pagtingin sa anumang ipinagbabawal ang pagtingin doon kapag naganap sa kanya ang pagkakita nang biglaan at walang pananadya.
- Nasaad dito na ang pagbabawal sa pagtingin sa mga babae ay isang bagay na namamalagi sa mga Kasamahan dahil sa isang patunay na si Jarīr (malugod si Allāh sa kanya) ay nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kung sakaling natuon ang paningin niya sa isang babae nang walang pananadya kung ang kahatulan nito ba ay kahatulan sa nanadya ng pagtingin.
- Nasaad dito ang pagmamalasakit ng Batas ng Islām sa mga kapakanan ng mga tao sapagkat tunay na ito ay nagbawal sa kanila ng pagtingin sa mga babae dahil sa inireresulta rito na mga katiwaliang pangmundo at pangkabilang-buhay.
- Ang pagsangguni ng mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtatanong sa kanya tungkol sa nagpapasuliranin sa kanila. Ang ganito ay nararapat sa madla: ang pagsangguni sa mga maalam nila at ang pagtatanong sa mga ito tungkol sa nagpasuliranin sa kanila.