- Ang pagkaisinasabatas ng pag-aalay at nagkaisa nga sa mga ito ang mga Muslim.
- Ang pinakamainam ay na ang alay ay maging kabilang sa uring ito na inialay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa kagandahan ng anyo nito at dahil sa pagiging ang taba nito at ang karne nito ay higit na kaaya-aya.
- Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito na isinakaibig-ibig na bumalikat ang tao ng pagkakatay ng alay niya sa pamamagitan ng sarili niya at hindi siya magtalaga ng iba sa pagkatay nito malibang dahil sa isang maidadahilan; at sa sandaling ito, isinakaibig-ibig na sumaksi siya sa pagkakatay nito. Kung magpapahalili siya rito sa isang Muslim, pinapayagan ito nang walang pagsalungat.
- Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito ang pagsasakaibig-ibig ng pagsambit ng takbīr kasama ng tasmiyah sa sandali ng pagkakatay at ang pagsasakaibig-ibig ng paglalagay ng paa sa kanang gilid ng leeg ng alay. Napagkasunduan nila na ang pagpapahiga rito ay maging nasa kaliwang tagiliran saka maglagay ng paa sa kanang tagiliran upang ito ay maging higit na madali sa kumakatay sa paghawak ng kutsilyo sa pamamagitan ng kanang kamay at pagpigil sa ulo nito sa pamamagitan ng kaliwang kamay.
- Ang pagsasakaibig-ibig sa alay na may mga sungay at pinapayagan naman ang iba pa rito.