- Ang pagkawala sa tao ng kaangkupan ay maaaring dahilan sa pagkatulog na nagpawala sa kanya ng pagkagising para sa pagganap sa mga kinakailangan sa kanya o dahilan sa kamurahan ng edad at pagkabata na kasama nito ay isang tagawala ng kaangkupan o dahilan sa kabaliwan na nabulabog sa kanya ang mga pang-isip na kakayahan niya o sa dumadapo sa kanya gaya ng kalasingan. Kaya ang sinumang nawala ang tumpak na pagkilala sa tama at ang tumpak na imahinasyon kaya naikaila sa kanya ang kaangkupan dahil sa isa sa tatlong kadahilanang ito, tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) dahil sa katarungan Niya, pagtitimpi Niya, at pagkamapagbigay Niya ay pumawi nga sa kanya ng pagpapanagot sa anumang namumutawi buhat sa kanya na isang paglabag o isang pagkukulang sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya).
- Ang hindi pagtatala ng mga kasalanan laban sa kanila ay hindi nagkakaila ng pagkaukol ng ilan sa mga patakarang pangmundo sa kanila, gaya ng baliw kung sakaling nakapatay ito ay walang paghihiganti laban sa kanya at walang panakip-sala, at kailangan sa angkan niya ang magbigay ng bayad-pinsala.
- Ang pagkaadulto ay may tatlong palatandaan: paglabas ng punlay dahil sa isang wet dream at iba pa rito o pagtubo ng buhok ng ari o pagkalubos ng edad na 15 taon. Nagdaragdag ang babae ng ikaapat na palatandaan: ang pagreregla.
- Nagsabi si As-Subkīy: Ang sanggol na paslit – at nagsabi siya ng iba rito: ang anak sa tiyan ng ina nito ay tinatawag na fetus. Kapag ipinanganak ito, sanggol ito; saka kapag inawat ito, paslit ito hanggang sa pitong taon; pagkatapos ito ay magiging isang bata hanggang sa sampung taon; pagkatapos isang binatilyo hanggang sa labinlimang taon. Ang natitiyak sa kanya ay na siya ay tinatawag na bata sa mga kalagayang ito sa kabuuan ng mga ito. Nagsabi nito si As-Suyūṭīy.