- Ang pananampalataya ay may katamisan at lasang natitikman sa pamamagitan ng mga puso gaya ng pagkatikim sa katamisan ng pagkain at inumin sa pamamagitan ng bibig.
- Ang katawan ay hindi nakadarama ng katamisan ng pagkain at inumin malibang sa sandali ng kalusugan nito. Gayon din ang puso: kapag naligtas ito sa sakit ng mga pithayang tagapagligaw at mga pagnanasang ipinagbabawal, nakadarama ito ng katamisan ng pananampalataya. Kapag nagkasakit ito at nagkakaramdaman, hindi ito makadarama ng katamisan ng pananampalataya; bagkus maaaring matamisin nito ang anumang naroon ang kapahamakan nito na mga pithaya at mga pagsuway.
- Ang tao, kapag nalugod siya sa isang bagay o nagmaganda siya nito, ay dadali sa kanya ang nauukol dito at hindi hihirap sa kanya ang anuman mula rito. Matutuwa siya sa bawat inihatid nito at hahalo sa ngiti niya ang puso niya. Gayon din ang mananampalataya: kapag pumasok sa puso niya ang pananampalataya, dadali sa kanya ang pagtalima sa Panginoon niya, masasarapan dito ang sarili niya, at hindi hihirap sa kanya ang pagdanas nito.
- Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim: Ang ḥadīth na ito ay naglaman ng pagkalugod sa pagkapanginoon Niya (kaluwalhatian sa Kanya) at pagkadiyos Niya, ng pagkalugod sa Sugo Niya at pagpapaakay rito, at ng pagkalugod sa Relihiyon nito at pagtanggap dito.