- Ang mga sunnah ng mga isinugo na naiibigan ni Allāh, kinalulugdan Niya, at ipinag-uutos Niya ay nag-aanyaya tungo sa kalubusan, integridad, at karikitan.
- Ang pagkaisinasabatas ng pagpapahalaga sa mga gawaing ito at ang hindi pagkalingat sa mga ito.
- Ang mga katangiang ito ay may mga pakinabang na panrelihiyon at pangmundo. Kabilang sa mga ito ang pagpapaganda ng anyo, ang paglilinis ng katawan, ang pag-iingat para sa kadalisayan, ang pakikipagsalungat sa mga tagatangging sumampalataya, at ang pagsunod sa utos ni Allāh.
- May nabanggit sa mga ibang ḥadīth na isang karagdagan sa mga katangian ng naturalesa na iba pa sa limang ito, tulad ng pagpapalago ng balbas, paggamit ng siwāk, at iba pa sa mga ito.