- Ang pagbibigay-diin sa pagkaisinasabatas ng paggamit ng siwāk matapos ng pagtulog sa gabi. Iyon ay dahil ang pagtulog ay tagahiling ng pag-iba ng amoy ng bibig at ang siwāk ay isang instrumentong pampaglilinis.
- Ang pagbibigay-diin sa pagkaisinasabatas ng paggamit ng siwāk sa sandali ng bawat mabahong pag-iiba ng amoy ng bibig bilang pagbatay mula sa naunang kahulugan.
- Ang pagkaisinasabatas ng kalinisan sa paraang pangkalahatan at na ito ay bahagi ng Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at bahagi ng mga matayog na etiketa.
- Ang paggamit ng siwāk sa bibig sa kabuuan nito ay sumasaklaw sa mga ngipin, gilagid, at dila.
- Ang siwāk ay isang patpat na pinuputol mula sa punong arāk o iba pa rito at ginagamit sa paglilinis ng bibig at mga ngipin. Nagpapabango ito ng bibig at nag-aalis ng mga mabahong amoy.