Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalag...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon siyang isang tubigan sa Araw ng Pagbangon, na ang haba nito ay layo ng isang...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {May magd...
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kamatayan ay dadalhin sa Araw ng Pagbangon gaya sa anyo ng lalaking tupa na may...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na siya ay nakarinig sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pa...
Humihimok sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumandal tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paghatak...
Ayon kay Abdullah bin Abbas si Allah sa kanilang dalawa-Buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((Dalawang biyaya na h...
Dalawang biyaya mula sa mga biyaya ni Allah sa mga tao na hindi nila alam ang kahalagahan nito,at malulugi sila dahil dito nang malaking pagkalugi,At...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."
Sa hadith na ito ay may paglilinaw sa kung sino ang karapat-dapat sa unang pagbati. Una: Babati ang nakasakay sa naglalakad dahil ang nakasakay ay nak...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Tubigan ko ay layo ng isang buwang paglalakbay. Ang tubig nito ay higit na puti kaysa sa gatas. Ang amoy nito ay higit na kaaya-aya kaysa sa musk. Ang mga panalok nito ay gaya ng mga bituin ng langit. Ang sinumang uminom mula rito ay hindi mauuhaw magpakailanman."}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na siya ay nakarinig sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}
Ayon kay Abdullah bin Abbas si Allah sa kanilang dalawa-Buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((Dalawang biyaya na hindi binibigyan ng-halaga nang karamihan sa mga Tao ((Ang Kalusugan at Kawalan ng Trabaho))
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya tungkol sa Panginoon niya (napakamapagpala Siya at napakataas): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw maliban sa sinumang pinatnubayan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng patnubay, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya humiling kayo sa akin ng makakain, pakakainin Ko kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban sa pinadamitan Ko; kaya humiling kayo sa Akin ng maidadamit, dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan; kaya humingi kayo sa Akin ng tawad, patatawarin Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi makapagpapaabot ng pinsala sa Akin para mapinsala ninyo Ako at hindi makapagpapaabot ng pakinabang sa Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamapangilag magkasalang puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makadaragdag iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa pinakamasamang-loob na puso ng iisang lalaki kabilang sa inyo, hindi makababawas iyon sa paghahari Ko ng anuman. O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay tumayo sa iisang kapatagan at humingi sa Akin, at magbibigay Ako sa bawat isa ng hiningi niya, hindi makababawas iyon mula sa taglay Ko malibang gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito sa dagat. O mga lingkod Ko, ang mga ito ay mga gawa ninyo lamang na binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos tutumbasan Ko kayo sa mga ito." Kaya ang sinumang nakatagpo ng isang kabutihan ay magpuri siya kay Allāh at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.}
Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Katakutan ninyo ang Kawalan ng Katarungan,sapagkat ang kawalan ng Katarungan ay Dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Katakutan ninyo ang [Pagiging]Maramot;Sapagkat ang [Pagiging] Maramot ay [siyang dahilan kung bakit]Nilipon ang mga nauna sa inyo,ito ang naging dahilan nila sa pagdanak nila ng mga dugo,at ipinahintulot nila ang mga ipinagbawal sa kanila.))
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya ayon sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na nagsabi: {Nagsabi siya: "Tunay si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat niyon si Allāh para rito sa ganang Kanya bilang isang magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito bilang iisang masagwang gawa."}
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki: "O, Sugo ni Allāh, pananagutin ba kami sa anumang ginawa namin sa Panahon ng Kamangmangan?" Nagsabi siya: "Ang sinumang gumawa ng maganda sa [panahon ng] Islām ay hindi pananagutin sa anumang ginawa niya sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumawa ng masagwa sa [panahon ng Islām] ay pananagutin sa una at huli."}
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May mga taong kabilang sa mga kampon ng Shirk, na sila noon nga ay pumatay at nagparami [ng pagpatay] at nangalunya at nagparami [ng pangangalunya] saka pumunta kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala." Kaya bumaba [ang talatang]: {[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya.} (Qur'ān 25:68) at bumaba [ang talatang]: {Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh;} (Qur'ān 39: 53).}
Ayon kay Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, nakakita ka ba ng mga bagay na ako dati ay gumagawa ng mga iyon sa Panahon ng Kamangmangan gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng alipin o pakikiugnay sa kaanak? Kaya sa mga ito kaya ay may pabuya?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}