- Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya. Tinatawag ito na banal o pandiyos na ḥadīth (ḥadīth qudsīy), na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh. Gayon pa man wala ritong mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod ng Qur'ān sa iba pa gaya ng pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur'ān, pagdadalisay para rito, paghahamon nito, pagkamahimala nito, at iba pa roon.
- Ang nangyayari sa mga tao na kaalaman o pagkapatnubay ay dahil sa kapatnubayan ni Allāh at pagtuturo Niya.
- Ang anumang dumapo sa tao na kabutihan ay mula sa kabutihang-loob ni Allāh at ang anumang dumapo sa kanya na kasamaan ay mula sa sarili niya at pithaya niya.
- Ang sinumang gumawa ng maganda ay dahil sa pagtutuon ni Allāh. Ang ganti rito ay isang kabutihang-loob mula kay Allāh kaya ukol sa Kanya ang papuri. Ang sinumang gumawa ng masagwa ay huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya.