- Kailangan sa nakapag-uunawa ang pagdadali-dali sa pagbabalik-loob at na hindi siya mapanatag sa pakana ni Allāh kapag siya ay naging tagapanatili sa kawalang-katarungan.
- Ang pagpapalugit ni Allāh sa mga tagalabag sa katarungan at ang hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan ay bilang pagpapain sa kanila at bilang pagpapaibayo ng pagdurusa kung hindi sila nagbalik-loob.
- Ang kawalang-katarungan ay kabilang sa mga kadahilanan ng kaparusahan ni Allāh sa mga kalipunan.
- Kapag nagpasawi si Allāh ng isang pamayanan, maaaring maging doon ay may mga maayos na tao. Ang mga ito ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon ayon sa kinamatayan nila na kaayusan. Hindi nakapipinsala sa kanila na sumaklaw sa kanila ang kaparusahan.