Ayon kay Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mama...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) at na ito ay umabot sa p...
Ayon kay Abu Al-Hayyāj Al-Asadīy na nagsabi: {Nagsabi sa akin si `Alīy: "Pansinin, magpapadala ako sa iyo sa kung sa ano nagpadala sa akin ang Sugo...
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusugo noon ng mga Kasamahan niya kalakip ng utos na huwag silang mag-iwan ng isang imahen –...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Ang pangitain ay pagtatambal [sa Allah],Ang pangitain ay pagtatambal [sa Al...
Ang Sugo-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpahayag at inulit-ulit ang pagpapahayag rito,upang mapagtibay ang nilalaman nito sa puso,na ang...
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabi...
Nagbanta ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumawa kabilang sa Kalipunan niya ng ilan sa mga gawain sa pamamagitan ng sab...
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-" Walang nakakahawa (sakit), at walang (epekto ang) pamahiin,at iniibig ko ang pa...
Nang ang lahat ng Kabutihan at ang kasamaan at naitakda mula kay Allah,Itinanggi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Hadith na ito an...
Ayon kay Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mamatay habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan sa harap ni Allāh na magkaroon ako kabilang sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay gumawa sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang kabilang sa mga bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga sambahan. Tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}
Ayon kay Abu Al-Hayyāj Al-Asadīy na nagsabi: {Nagsabi sa akin si `Alīy: "Pansinin, magpapadala ako sa iyo sa kung sa ano nagpadala sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): na hindi ka mag-iiwan ng isang imahen malibang binura mo ito ni ng isang libingang nakausli malibang pinatag mo ito."}
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Ang pangitain ay pagtatambal [sa Allah],Ang pangitain ay pagtatambal [sa Allah],at wala [kahit na isa] mula sa atin maliban [sa [siya ay nakakagawa nito],Ngunit si Allah ay tinatanggal ito sa pamamagitan ng Pagtitiwala [ Kay Allah]"(at wala [kahit na isa] mula sa atin maliban [sa [siya ay nakakagawa nito],Ngunit si Allah ay tinatanggal ito sa pamamagitan ng Pagtitiwala [ Kay Allah]") Mula sa pananalita ni Ibn Mas`ud at hindi Hadith na Marfu
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway. Ang sinumang nagbuhol [saka umihip dito] at ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka naniwala sa sinasabi nito ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."}
Ayon kay Anas bin Mālik-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-" Walang nakakahawa (sakit), at walang (epekto ang) pamahiin,at iniibig ko ang pangitain.Nagsabi sila: At ano nag pangitain? Nagsabi siya: Ang mabubuting salita"
Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah sa pagkalipas ng isang ulan na nangyari sa gabi, saka noong nakatapos siya ay humarap siya sa mga tao saka nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi [si Allāh]: "Kinaumagahan, mayroon sa mga lingkod Ko na mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya. Hinggil sa sinumang nagsabi na inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya, iyon ay mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya sa tala; at hinggil naman sa sinumang nagsabi na [inulan kami] dahil sa bituing ganito at gayon, iyon ay tagatangging-sumampalataya sa Akin at mananampalataya sa tala."}
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: "Sinuman ang magsabit ng anting-anting,ay hindi ito gagawing ganap ni Allah para sa kanya [ang kanyang mga gawain],at sinuman ang magsabit ng kabibi,ay hindi pagagaanin ni Allah sa kanya [ang pinangangambahan niya]" At sa isang salaysay: " Sinuman ang magsabit ng anting-anting,katotohanang siya ay nakapagtambal [sa Allah]"
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga orasyon, ang mga agimat, at ang gayuma ay Shirk."}
Ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang ): {Siya ay nakarinig ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi; sumpa man sa Ka`bah." Kaya nagsabi ang Anak ni `Umar: "Huwag kang manumpa sa iba pa kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya."}
Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumunta ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang pulutong mula sa mga Ash`arīy upang humiling ako ng masasakyan ngunit nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako makapagsasakay sa inyo; wala akong maipasasakay sa inyo." Pagkatapos nanatili kami hanggat niloob ni Allāh saka may dinalang mga kamelyo kaya nag-utos siyang magbigay sa amin ng tatlong kamelyo. Noong lumisan kami, nagsabi ang ilan sa amin sa iba: "Hindi nagpapala si Allāh sa atin. Pumunta tayo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang humiling tayo ng masasakyan ngunit sumumpa siya na hindi siya makapagsasakay sa atin ngunit nagpasakay siya sa atin." Nagsabi si Abū Mūsā: "Kaya pumunta kami sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit kami sa kanya niyon." Nagsabi naman siya: "Hindi ako nagpasakay sa inyo; bagkus si Allāh ay nagpasakay sa inyo. Tunay na ako, sumpa man kay Allāh , ay hindi sumusumpa ng isang sumpa saka makakikita ako ng higit na mainam kaysa roon malibang nagtatakip-sala ako sa sumpa ko at gumagawa ako ng siyang pinakamabuti."}