- Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsabi, matapos ng pagbaba ng ulan, ng: "Muṭirnā bi-faḍli –llāhi wa-raḥmatihi (Inulan tayo dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya)."
- Ang sinumang nag-ugnay ng biyaya ng pagpapababa ng ulan at iba rito sa tala sa paglikha o sa pagpapairal, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang malaking kawalang-pananampalataya. Kung nag-ugnay naman siya nito na iyon ay isang kadahilanan, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang maliit na kawalang-pananampalataya dahil iyon ay hindi isang kadahilanang legal ni pisikal.
- Ang biyaya ay nagiging isang kadahilanan ng kawalang-pananampalataya kapag tinanggihang pasalamatan at nagiging isang kadahilanan ng pananampalataya kapag pinasalamatan.
- Ang pagsaway laban sa pagsabi ng: "Inulan kami dahil sa bituing ganito" kahit pa man tinukoy rito ang oras, bilang pagpinid sa nagbibigay-dahilan sa shirk.
- Ang pagkakinakailangan ng pagkahumaling ng puso kay Allāh (napakataas Siya) sa pagtamo ng mga biyaya at pagtaboy ng mga salot.