- Ang kalamangan ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) at na siya ay pinakamainam sa mga Kasamahan at pinakamalapit sa mga tao sa paghalili sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagkamatay nito.
- Ang pagpapatayo ng mga sambahan sa ibabaw ng mga libingan ay kabilang sa mga kasamaan ng mga naunang kalipunan.
- Ang pagsaway laban sa paggawa sa mga libingan bilang mga lugar para sa pagsamba – na pinagdarasalan sa mga ito o tungo sa mga ito at pinatatayuan sa ibabaw ng mga ito ng mga sambahan o mga kupola – ay bilang pag-iingat laban sa pagkakasadlak sa Shirk dahilan doon.
- Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalabis sa pagpipitagan sa mga maayos na tao dahil sa pagpapahantong nito sa Shirk.
- Ang pagkapanganib ng ibinigay-babala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nagbigay-diin siya rito limang araw bago ng pagkamatay niya.