- Ang pagkakinakailangan ng pananalig kay Allāh at pananampalataya sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Ang pagbabawal sa pag-uugnay ng kamalasan, pesimismo, panggagaway, panghuhula, o paghiling na iyon sa mga tagagawa ng mga ito.
- Ang pag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid ay bahagi ng Shirk na nakikisalungat sa Tawḥīd.
- Ang pagbabawal sa paniniwala sa mga manghuhula at pagpunta sa kanila. Napabibilang doon ang tinatawag na Panghihimalad (Palmistry), ang pagbasa ng tasa (Tasseography), ang Astrolohiya, at ang pagtingin sa mga ito, kahit dala lamang ng pag-uusisa.