Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi...
Nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na may itatalaga sa atin na mga pinuno na magmamabuti tayo sa ilan sa mga gawain nil...
Ayon kay Ibin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu: (( Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay n...
Sa Hadith ay [naisalaysay] ang pagbabala sa malaking pangyayari na may kaugnayan sa pakikisalamuha ng mga pinuno,ito ang kawalan ng katarungan ng mga...
((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga...
Lahat kayo ay Taga-pangalaga at Pinagkakatiwalaan sa pingangalagaan nito at tatanungin rito,Ang Pinuno ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito sa...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa...
Dumalangin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa bawat sinumang namahala sa kapakanan kabilang sa mga kapakanan ng mga Mu...
Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Relihiyon ay ang pagpap...
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyon ay nakasalalay sa pagpapakawagas at katapatan nang sa gayon gampanan i...
Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba kami makikipaglaban sa kanila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagdarasal sila."}
Ayon kay Ibin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu: (( Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!)) Nagsabi sila: O Sugo ni Allah,Ano ang ipag-uutos mo sa amin? Nagsabi siya: ((Ibigay ninyo ang mga karapatan na nasa inyo,at hilingin ninyo sa Allah,yaong para sa inyo))
((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) ,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa bahay ko ng ganito: "O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}
Ayon kay Tamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila."}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
Ayon kay Annu'man Bin Basheer -kalugdan silang dalawa ng Allah- Marfuw'an: ((Ang katulad ng isang nakatayo sa mga hangganan ng Allah at isang nakalagay sa kanila, ay katulad ng mga tao magpasyang magkaroon ng pagpipili sa pagitan nila na nasa taas ng barko sa gayon ang iba sa kanila ay nasa itaas at iba sa kanila ay nasa ibaba, at ang yaong mga nasa ibaba kapag nais nila kumuha ng tubig ay dadaan sila sa itaas nila, at ang sabi nila: kung kaya ating bubutasan ang ating parte at hindi natin madadamay o masasaktan ang nasa itaas natin, kaya kapag sila ay napabayaan at ano ang kanilang naisin ay manganganib silang lahat, at kapag sila ay napigilan ay mililigtas sila at maliligtas silang lahat)).
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na Marfu- (( Sinuman ang mag-anyaya sa matuwid na landas,Ipagkakaloob sa kanya ang Gantimpala tulad ng Gantimpala ng sinumang sumunod sa kanya,Hindi ito maibabawas mula sa mga gantimpala nila kahit na isang bagay lamang,At sinuman ang mag-anyaya sa Ligaw na landas,Ipagkakaloob sa kanya ang kasalanan tulad ng mga kasalanan ng sinumang sumunod sa kanya,Hindi ito maibabawas mula sa mga kasalanan nila kahit na isang bagay lamang))
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalan ng masasakyan kaya magpasakay ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Wala akong taglay." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa sinumang magsasakay sa kanya." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito."}
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang ibibigay ko nga ang watawat bukas sa isang lalaking umiibig kay Allah at sa Sugo Niya at iniibig iyon ni Allah at ng Sugo Niya, na mananaig si Allah sa pamamagitan ng mga kamay niyon." Kaya magdamag na ang mga tao ay nag-iisip-isip sa gabi kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Noong sumapit sila sa umaga, pumunta sila sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Lahat sila ay umaasang ibigay sa kanya iyon. Nagsabi siya: "Nasaan si `Alīy bin Abī Ṭālib?" Sinabi: "Siya ay nagdurusa dahil sa mga mata niya." Kaya nagpadala sila [ng tao] roon at dinala iyon at dumura siya sa mga mata niyon. Dumalangin siya para roon at gumaling iyon na para bang hindi iyon nagkaroon ng isang sakit. Ibinigay niya roon ang watawat at nagsabi siya: "Humayo ka nang hinay-hinay hanggang sa bumaba ka sa larangan nila. Pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islām at ipabatid mo sa kanila ang anumang isinasatungkulin sa kanila na karapatan ni Allah, pagkataas-taas Niya, doon sapagkat sumpa man kay Allah, ang magpatnubay si Allah sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa mga pulang kamelyo."
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}