- Kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid niya tungkol sa magaganap kabilang sa mga nakalingid at ang pagkaganap nito gaya ng ipinabatid niya.
- Hindi pinapayagan ang pagkalugod sa nakasasama ni ang pakikilahok dito at kinakailangan ang pagmamasama rito.
- Kapag nagpangyari ang mga pinuno ng anumang sumasalungat sa Sharī`ah, hindi pinapayagan ang pagtalima sa kanila roon.
- Ang hindi pagpayag sa paghihimagsik sa mga nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim dahil sa inireresulta roon na kaguluhan, pagpapadanak ng mga dugo, at pagkaalis ng katiwasayan kaya naman ang pagbata sa kasamaan ng mga pinunong tagasuway at ang pagtitiis sa perhuwisyo nila ay higit na magaan kaysa sa paghihimagsik na iyon.
- Ang ṣalāh ay dakila ang pumapatungkol dito sapagkat ito ay ang tagapagpaiba sa pagitan ng kawalang-pananampalataya at Islām.