- Ang isinatahasan mula sa mga āyah ng Qur'ān ay ang lumiwanag ang pakahulugan nito at lumitaw ang kahulugan nito. Ang pinatalinghaga ay ang nagsaposibilidad ng higit sa isang kahulugan at nangailangan ng isang pagtingin at pag-intindi.
- Ang pagbibigay-babala laban sa pakikihalo sa mga kampon ng kalikuan, mga alagad ng mga bid`ah, at mga naglalahad ng mga suliranin para sa pagpapaligaw sa mga tao at pagpapaduda sa kanila.
- Sa pagwawakas ng āyah sa sabi ni Allāh: {Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip} ay may pagbubunyag sa mga naliliko at may pagbubunyi sa mga nagpakalalim. Nangangahulugan ito na ang sinumang hindi nagsaalaala at hindi napangaralan at sumunod sa pithaya niya ay hindi kabilang sa mga may mga isip.
- Ang pagsunod sa pinatalinghaga ay isang kadahilanan ng pagkaliko ng puso.
- Ang pagkakinakailangan ng pagsangguni sa mga āyah na pinatalinghaga, na baka hindi naiintindihan ang kahulugan nito, sa mga āyah na isinatahasan.
- Ginawa ni Allāh ang ilang bahagi ng Qur'ān na isinatahasan at ang ilang bahagi nito na pinatalinghaga naman bilang pagsubok sa mga tao upang mabukod ang mga alagad ng pananampalataya sa mga alagad ng pagkaligaw.
- Sa pagkakasadlak sa pinatalinghaga sa Qur'ān ay may paglalantad sa kainaman ng mga maalam higit sa iba at may pagpapaalam sa mga isip hinggil sa mga kakulangan ng mga ito upang sumuko ang mga ito sa Panginoon ng mga ito at kumilala ang mga ito sa kawalang-kakayahan ng mga ito.
- Ang kainaman ng pagpapakalalim sa kaalaman at ang pagkakailangan ng pagpapakatatag dito.
- Ang mga tagapagpakahulugan kaugnay sa pagtigil sa pangalang {Allāh} mula sa sabi ni Allāh: {samantalang walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman} ay may dalawang pahayag. Ang sinumang tumigil sa pangalang {Allāh}, ang tinutukoy ng pagbibigay-pakahulugan ay ang kaalaman sa reyalidad ng bagay, ang pinakadiwa nito, at ang walang paraan sa pagtalos niyon gaya ng nauukol sa espiritu at Huling Sandali kabilang sa anumang nagsolo si Allāh sa kaalaman niyon, at ang mga nagpakalalim naman ay sumasampalataya rito at nagsasalig ng mga reyalidad nito kay Allāh kaya nagpapasakop sila at naliligtas sila. Ang sinumang nagpatuloy at hindi tumigil sa pangalang {Allāh}, ang tinutukoy ng pagbibigay-pakahulugan ay ang pagpapakahulugan, ang paghahayag, at ang pagpapaliwanag sapagkat si Allāh ay nakaaalam niyon at ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nakaaalam niyon din kaya sumasampalataya sila sa mga ito at nagsasangguni sila ng mga ito sa isinatahasan.