- Ang ḥadīth ay isang saligan sa paglilinaw sa mga antas ng pagpapaiba ng nakasasama.
- Ang pag-uutos ng pagdahan-dahan sa pagsaway laban sa nakasasama. Ang bawat isa ay alinsunod sa kakayahan niya at mga kapangyarihan niya.
- Ang pagsaway laban sa nakasasama ay isang dakilang pinto sa Relihiyon. Hindi naaalis ang tungkuling ito sa isa at inaatangan nito ang bawat Muslim alinsunod sa kakayahan niya.
- Ang pag-uutos ng nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan.
- Isinasakundisyon sa pagsaway sa nakasasama ang kaalaman sa pagiging ang gawaing iyon ay nakasasama.
- Isinasakundisyon sa pagpapaiba ng nakasasama na hindi mairesulta rito ang isang nakasasamang higit na mabigat kaysa rito.
- Ang pagsaway sa nakasasama ay may mga etiketa at mga kundisyon na nararapat sa Muslim na magpakatuto sa mga ito.
- Ang pagmamasama sa nakasasama ay nangangailangan ng isang polisiyang legal at ng isang kaalaman at isang pagkatalos.
- Ang kawalan ng pagmamasama sa pamamagitan ng puso ay nagpapatunay ng kahinaan ng pananampalataya.