- Ang pangangalaga sa Tawḥīd at Pinaniniwalaan laban sa nakasisira sa mga ito.
- Ang pagbabawal sa paggamit ng mga orasyong makashirk o mga agimat o gayuma.
- Ang paniniwala ng tao sa tatlong ito na ang mga ito ay mga kadahilanan ay Maliit na Shirk dahil ito ay paggawa sa hindi naman kadahilanan bilang kadahilanan. Hinggil naman sa kung naniwala na ang mga ito ay nagpapakinabang at nakapipinsala mismo, iyon ay Malaking Shirk.
- Ang pagbibigay-babala laban sa paggawa ng mga kadahilanang makashirk at ipinagbabawal.
- Ang pagbabawal sa mga orasyon at na ang mga ito ay bahagi ng Shirk maliban sa anumang orasyon na isinabatas sa Islām.
- Nararapat ang pagkahumaling ng puso kay Allāh – tanging sa Kanya – sapagkat mula sa Kanya ang pakinabang at ang pinsala – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – sapagkat walang naghahatid ng kabutihan kundi si Allāh at walang nagtutulak ng kasamaan kundi si Allāh (napakataas Siya).
- Ang mga orasyon (ruqyah) na pinapayagan ay ang naglalaman ng tatlong kundisyon: 1. na maniwala na ito ay isang kadahilanan at hindi nagpapakinabang malibang ayon sa pahintulot ni Allāh; 2. na ito ay sa pamamagitan ng Qur'ān, mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya, mga panalanging pampropeta, at mga panalanging isinabatas sa Islām; 3. na ito ay nasa isang wikang naiintindihan at hindi naglalaman ng mga panghalina (charm) at karunungang itim.