- Ang pagbabawal sa panghuhula, pagpunta sa mga manghuhula, at pagtatanong sa kanila tungkol sa mga inilingid.
- Maaaring pagkaitan ang tao ng gantimpala ng pagtalima bilang kaparusahan sa kanya dahil sa paggawa ng pagsuway.
- Napaloloob sa ḥadīth ang tinatawag na horoscope at ang pagsangguni rito, ang Panghihimalad (Palmistry), at ang pagbasa ng tasa (Tasseography), kahit dala lamang ng pag-uusisa, dahil iyon sa kabuuan niyon ay bahagi ng panghuhula at bahagi ng pag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid.
- Kapag naging ito ang ganti sa sinumang pumunta sa manghuhula, papaano na ang ganti sa manghuhula mismo?
- Ang ṣalāh nang apatnapung araw ay kailangan ay tumpak, na hindi kinakailangan ang pagbabayad sa mga ito, subalit walang gantimpala sa mga ito.