- Ang kainaman ng pananalig at na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan na naipantatamo ng panustos.
- Ang pananalig ay hindi nakikisalungatan sa paggawa ng mga kadahilanan sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid na ang pananalig na tunay ay hindi kumukontra rito ang pag-alis sa umaga at ang pag-uwi sa gabi sa paghahanap ng panustos.
- Ang pagpapahalaga ng Batas ng Islām sa mga gawain ng mga puso dahil ang pananalig ay gawaing pampuso.
- Ang pagkapit sa mga kadahilanan lamang ay isang kakulangan sa Relihiyon at ang pagwaksi ng mga kadahilanan ay isang kakulangan sa isip.