- Ang paninirang-puri at ang pagwaksi ng pag-iingat sa talsik ng ihi ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at kabilang sa mga kadahilanan ng pagdurusa sa libingan.
- Ang pagbunyag ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ng ilan sa mga inilingid, gaya ng pagdurusa sa libingan, ay bilang pagpapalitaw ng palatandaan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
- Ang gawaing ito na pagbiyak ng palapa at paglalagay nito sa libingan ay natatangi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil si Allāh ay nagpatalos sa kanya ng kalagayan ng dalawang nakalibing sa libingan. Kaya naman hindi naihahambing sa kanya ang iba pa sa kanya dahil walang isang nakaaalam sa mga kalagayan ng mga nakalibing sa mga libingan.