- Ang pagkaisinasabatas ng pagpahid sa khuff ay sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' dahil sa isang maliit na ḥadath. Hinggil naman sa pagpaligo para sa malaking ḥadath, walang pag-iwas sa paghuhugas ng mga paa.
- Ang pagpapahid ay iisang ulit sa pamamagitan ng pagpaparaan ng kamay habang basa sa ibabaw ng khuff puwera sa ilalim nito.
- Isinakundisyon sa pagpahid sa khuff na ang pagkasuot nito ay matapos ng pagsasagawa ng isang ganap na wuḍū' na hinugasan dito ng tubig ang mga paa, na ang khuff ay dalisay na nakatatakip sa bahagi ng tungkuling hugasan sa paa, na ang pagpahid dito ay dahil sa maliit na ḥadath hindi dahil sa janābah o anumang nag-oobliga ng pagpaligo, at na ang pagpahid ay sa panahon na tinakdaan ayon sa Sharī`ah: isang araw at isang gabi para sa residente at tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito para sa manlalakbay.
- Naihahambing sa khuff ang bawat nakatatakip sa mga paa gaya ng medyas at iba pa rito para mapayagan ang pagpahid sa mga ito.
- Ang kagandahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagtuturo niya yayamang pinigilan niya si Al-Mughīrah sa paghubad ng khuff at nilinaw niya sa kanya ang kadahilanan: na siya ay nagsuot nito habang dalisay pa ito, upang mapanatag ang sarili niyon at makaalam iyon sa kahatulan.