- Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa Al-Fātiḥah sapagkat tumawag dito si Allāh (napakataas Siya) bilang ṣalāh.
- Ang paglilinaw sa pagmamalasakit ni Allāh (napakataas Siya) sa lingkod Niya yayamang nagbunyi Siya rito dahilan sa pagpupuri nito, pagbubunyi nito, pagpaparingal nito, at pangako rito na magbigay Siya rito ng hiningi nito.
- Naglaman ang marangal na sūrah na ito ng papuri kay Allāh, pagbanggit sa kauuwian, panalangin kay Allāh, pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya, paghingi ng kapatnubayan tungo sa landasing tuwid, at pagbibigay-babala laban sa mga tinatahakan ng kabulaanan.
- Ang pagsasadamdamin ng tagapagdasal sa ḥadīth na ito, kapag binigkas niya ang Al-Fātiḥah, ay nakadaragdag sa kataimtiman niya sa pagsasagawa ng ṣalāh.