- Ang paghimok sa pagtugon sa mu'adhdhin.
- Ang kainaman ng pagdalangin ng basbas para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagsagot sa mu'adhdhin.
- Ang paghimok sa paghiling ng Kaparaanan para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagdalangin ng basbas para sa kanya.
- Ang paglilinaw sa kahulugan ng Kaparaanan at kataasan ng pumapatungkol dito yayamang hindi naaangkop ito kundi sa iisang lingkod.
- Ang paglilinaw sa kalamangan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang itinangi siya sa mataas na katayuang iyon.
- Ang sinumang humiling kay Allāh ng Kaparaanan para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mauukol para sa kanya ang Pamamagitan.
- Ang paglilinaw sa pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang humiling siya sa Kalipunan niya ng pagdalangin para sa kanya ng katayuang iyon, gayong ito naman ay magiging para sa kanya.
- Ang lawak ng kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya sapagkat ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito.