- Ang laway ng aso ay marumi (najis) ayon sa karumihang minarubdob.
- Ang pagdila ng aso sa lalagyan ay nagpaparumi rito at nagpaparumi sa tubig na nasa loob nito.
- Ang pagdadalisay sa pamamagitan ng alabok at ang pag-uulit nang pitong ulit ay natatangi sa pagdadalisay mula sa pagdila nito hindi sa pag-ihi nito, pagdumi nito, at nalalabi sa pinarumi ng aso.
- Ang pamamaraan ng paghuhugas ng lalagyan sa pamamagitan ng alabok ay maglagay sa lalagyan ng tubig at idadagdag dito ang alabok. Pagkatapos huhugasan ang lalagyan sa pamamagitan ng pinaghalong [tubig at alabok na] ito.
- Ang hayag na kahulugan ng ḥadīth ay na ito ay lumalahat sa lahat ng mga aso, pati na sa mga aso na nagpahintulot ang Tagapagbatas ng pag-aalaga ng mga ito, tulad ng mga aso ng pangangaso, pagbabantay, at pagpapastol.
- Ang sabon at ang detergent ay hindi magagamit na pamalit sa alabok dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumukoy sa alabok.