- Ang pagkakinakailangan ng pagpaligo sa babae sa sandali ng pagwawakas ng mga araw ng regla niya.
- Ang pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ṣalāh sa babaing may istiḥāḍah.
- Ang regla ay likas na dugong inilalabas ng sinapupunan sa pamamagitan ng ari ng babaing adulto, na dumapo sa kanya sa mga nalalamang araw.
- Ang istiḥāḍah ay ang pagdaloy ng dugo sa hindi oras nito mula sa pinakamalapit na bahagi ng sinapupunan, hindi sa kailaliman nito.
- Ang kaibahan sa pagitan ng dugo ng regla at dugo ng istiḥāḍah ay na ang dugo ng regla ay itim na malapot na masangsang ang amoy samantalang ang dugo ng istiḥāḍah ay pula na malabnaw na walang amoy na masangsang.