Bumalik ka,at pagbutihin mo ang pagsasagawa mo ng wudhu
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-na ang isang lalaki ay nagsagawa ng wudhu,naiwan niya ang kinalalagyan ng kuko niya sa paa niya,nakita ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kanyang sinabi: ((Bumalik ka,at pagbutihin mo ang pagsasagawa mo ng wudhu)),inulit niya ito, pagkatapos ay nagdasal siya.
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ang pagpapaliwanag
Ipinapaalam ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-na ang isang lalaki ay nagsagawa ng wudhu at hindi ginawang ganap ang kanyang wudhu na tulad ng ipinag-utos ni Allah,at iniwan niya ang kinalalagyan ng kuko sa paa niya,linagpasan niya ito na hindi nadaanan ng tubig.Nakita ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya ipinag-utos sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na bumalik,at magsagawa siya ng wudhu,batay sa ipinag-utos ng Islam,at hindi siya mag-iiwan ng kahit anong bahagi mula sa mga bahagi [ng katawan] kung saan ito ay nararapat na mabasa ng tubig,bumalik ang lalaki at nagsagawa ng wudhu pagkatapos siya ay nagdasal.
Share
Use the QR code to easily share the message of Islam with others