- Ang ṣalāh ng naparumi ay hindi tinatanggap hanggang sa makapagdalisay siya sa pamamagitan ng pagpaligo dahil sa pagkaruming malaki at sa pamamagitan ng wuḍū' dahil sa pagkamaruming maliit.
- Ang wuḍū' ay pagkuha ng tubig at pagpapagalaw nito sa bibig at pagpapalabas nito, pagkatapos paghatak ng tubig sa pamamagitan ng pagsinghot nito patungo sa loob ng ilong, pagkatapos pagpapalabas nito at pagsinga nito, pagkatapos paghuhugas ng mukha nang tatlong ulit, pagkatapos paghugas ng mga kamay kasama ng mga siko nang tatlong ulit, pagkatapos pagpahid sa buong ulo nang iisang ulit, pagkatapos paghugas ng mga paa kasama ng mga bukungbukong nang tatlong ulit.