- Ang pagsasakaibig-ibig ng paghuhugas ng mga kamay bago ng pagpapasok ng mga ito sa sisidlan ng tubig sa pagsisimula ng pagsasagawa ng wuḍū'. Kung siya ay hindi bumangon mula sa pagkatulog saka kung siya ay nagising mula sa pagkatulog sa gabi, kinakailangan ang maghugas ng mga ito.
- Nararapat sa tagapagturo na tumahak sa pinakamalapit sa mga daan tungo sa pag-intindi at pagkintal ng kaalaman sa mga nagpapakatuto. Kabilang doon ang pagtuturo sa pamamagitan ng paggawa.
- Nararapat sa tagapagsagawa ng ṣalāh ang pagtaboy ng mga kaisipang nauugnay sa mga pinagkakaabalahan sa Mundo sapagkat ang pagkaganap ng ṣalāh at ang pagkalubos nito ay nasa pagkadalo ng puso rito. Kung hindi magagawa sapagkat ang mga pag-iisip ay naging imposibleng maiwasan, kailangan sa kanya na makibaka sa sarili niya at hindi magpatangay roon.
- Ang pagsasakaibig-ibig ng pagkakanan sa pagsasagawa ng wuḍū'.
- Ang pagkaisinasabatas ng pagkakasunud-sunod sa pagitan ng pagmumumog, pagsinghot, at pagsinga.
- Ang pagsasakaibig-ibig ng paghuhugas ng mukha, mga kamay, at mga paa nang tatlong ulit. Ang kinakailangan ay isang ulit.
- Ang kapatawaran ni Allāh sa nauna sa mga pagkakasala ay inireresulta ng pagkakasama ng dalawang gawain: ang wuḍū' at ang ṣalāh na dalawang rak`ah ayon sa paraang nababanggit sa ḥadīth.
- Ang bawat bahagi ng katawan mula sa mga bahagi ng katawan na pinagsasagawaan ng wuḍū' ay may hangganan. Ang hangganan ng mukha ay mula sa mga kinahihiratiang tinutubuan ng buhok ng ulo hanggang sa anumang bumaba mula sa balbas at baba pababa at mula sa isang tainga papunta sa isang tainga pahalang. Ang hangganan ng kamay ay mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa siko: ang kasukasuan sa pagitan ng pang-ibabang braso at pang-itaas na braso. Ang hangganan ng ulo ay mula sa mga kinahihiratiang tinutubuan ng buhok mula sa mga gilid ng mukha hanggang sa pinakamataas na bahagi ng batok at bahagi ng mga tainga mula sa ulo. Ang hangganan ng paa ay ang paa sa kabuuan kasama ng kasukasuan (bukungbukong) sa pagitan nito at ng binti.